Isang construction worker ang nasawi makaraang mahulog mula sa ikaanim na palapag at bumagsak sa third floor ng isang gusali sa Malate, Maynila, nitong Biyernes ng tanghali.

Dead on arrival sa Philippine General Hospital (PGH) si Jared Guevarra Tampaya, 22, welder ng Engineering Construction Compan, bunsod ng matinding pinsala sa ulo at katawan.

Batay sa ulat ni PO3 Joseph Kabigting, dakong 11:15 ng umaga nang mangyari ang aksidente sa construction site ng Graceful Hands Building sa 715 Remedios Street, Malate.

Paniwala ng awtoridad, posibleng nadulas ang biktima sa metal deck na tinatapakan sa ikaanim na palapag kaya diretso itong nahulog sa ibaba. (Mary Ann Santiago)

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget