Alden, Maine, Marian at Dingdong copy

PANGATLONG pagkakataon nang tumanggap sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ng Makabatang Alagad ng Telebisyon mula sa Anak TV Seal Award. Pero mas espesyal kina Dingdong at Marian ang award na natanggap nila ngayong taon dahil first award nila ito bilang mag-asawa at first award din na handog nila sa anak nilang si Baby Letizia.

“At nakakatuwa dahil sumabay pa ito sa third month ng anak namin,” sabi ni Marian. “Ang karangalang ito ay magsisilbing magandang ehemplo sa mga kabataan, higit lalo sa aming anak. Maraming salamat sa mga kabataang bumoto sa akin.”

“Salamat Anak TV Awards,” wika naman ni Dingdong. “Ang ganda ng tropeo, pero mas maganda ang kahulugan nito. Ito’y magsisilbing paalaala na sa bawat trabaho, may mga kabataan na maaaring makinabang dito.”

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Pagkatapos ng awarding rites last Tuesday, nagkatuwaan sina Dingdong, Marian at ang magka-love team na Alden Richards at Maine Mendoza, na biniro ni Marian tungkol sa kanilang relasyon.

“Malay mo, ‘yung tuksu-tuksuhan sa inyong dalawa, mauwi sa alam mo na,” biro ni Marian.

“Enjoy the ride,” sabi naman ni Dingdong.

Pagkatapos sabi ni Marian, “ganito kami ni Dong,” at hinalikan niya sa lips ang asawa. Iyon daw ang gayahin ng dalawa. 

Bigla namang hinila ni Alden si Maine at natatawang sinabing, “Tayo na, Eat Bulaga na!” 

From the award ceremony kasi, tumuloy na sa noontime show ang dalawa para sa kanilang kalyeserye. (NORA CALDERON)