Sa tulong ng Facebook, nadakip ng awtoridad ang isang 27-anyos na “call boy” na itinuturong pumatay sa isang bading, habang nakatambay sa isang mall sa Cubao, Quezon City.

Kinilala ni Manila Police District (MPD)-Homicide chief Senior Insp. Rommel Anicete ang suspek na si Michael V. Mendoza, ng 135-A Paul Street, Barangay Holy Spirit, Quezon City. Si Mendoza ay nahaharap ngayon sa kasong robbery with homicide.

Sa ulat ni PO3 Michael Maraggun, dakong 6:00 ng gabi nitong Huwebes nang maaresto ang suspek sa Gateway Mall, sa Cubao, Quezon City.

Nauna rito, nakatanggap umano sila ng tip mula sa isang concerned citizen na ang suspek ay nakatambay sa naturang mall.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Namataan ng impormante si Mendoza mula sa Facebook post nito hinggil sa krimen kaya agad na itinuro sa mga pulis ang kinaroroonan ng suspek na nagresulta sa pagkadakip nito.

Positibong kinilala ng testigo na si Antonio Adremesin, security guard ng Sagana Tower 1, ang suspek na huling kasama ng biktimang si George Zapata, 49, salon supervisor, bago ito natagpuang patay at tadtad ng saksak sa katawan noong Pebrero 15 sa condo unit sa Sagana Tower 1, Sta. Mesa, Manila, matapos ang dalawang araw. (Mary Ann Santiago)