Bukod sa boxing, billards and snooker, at weightlifting, kabilang din ang women’s event sa mga tinanggal sa gaganaping 2017 Southheast Asian Games sa malaysia.

Ayon sa ulat ng Straits Times, may kabuuang 34 sports ang kabilang sa inisyal na listahan, kabilang ang limang sports na para lamang sa kalalakihan.

Bukod sa boxing, billiards at weightlifting, lalaruin lamang ng kalalakihan ang event sa water polo at rugby. Nauna rito, inalis din sa caldendar of sports ang triathlon kung saan winalis ng Pinoy sa nakalipas na SEAG sa Singapore.

May pagkakataong pang umapela ang Philippine Olympic Committee (POC) sa naturang desisyon sa gaganaping SEAG Federation meeting sa Marso.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Nauna nang inaprubahan sa SEA Games Federation Council ang aquatics, athletics, archery, badminton, basketball, billiards and snooker, boxing, cricket, cycling, equestrian and polo, football and futsal, golf, gymnastics, field hockey, ice hockey, ice skating, karate, lawn bowls, netball, pencak silat, petanque, rugby 7s, sailing, sepak takraw, shooting, squash, table tennis, taekwondo, tennis, tenpin bowling, volleyball, water ski, weightlifting, at wushu.

Kung mabibigo ang POC na makumbinse ang SEAG Federation, dagok ito sa kampanya ng Pilipinas na may malaking tyansa para sa gintong medalya tulad nina Josie Gabuco sa boxing, Chezka Centeno sa billiards, at two-time Olympian Hidilyn Diaz sa weightlifting.

Kampeon si Gabuco sa women’s 48kg event sa Singapore SEAG at inaasahang makakalusot para sa Rio De Janeiro Olympics.

Nakopo naman ni Centeno ang gintong medalya sa women’s 9-ball event, bago tinanghal na prinsesa sa World Juniors Championship.