TARLAC CITY - Halos maligo sa sariling dugo ang isang hinihinalang drug pusher na dalawang beses na binaril sa ulo ng riding-in-tandem criminals sa Panganiban Street sa Block 5, Barangay San Nicolas, Tarlac City.

Sa ulat kay Police Supt. Bayani Razalan, hepe ng Tarlac City Police, pinaslang sa marahas na paraan si Danilo Baltazar, 45, ng nasabing barangay.

Napag-alaman na dakong 7:45 ng umaga, naglalakad ang biktima sa Panganiban Street nang tumigil sa harap niya ang dalawang armado na sakay sa motorsiklo at dalawang beses siyang binaril sa ulo.

Sa imbestigasyon ng pulisya sa pinangyarihan ng insidente, nasamsam nila mula sa katawan ng biktima ang isang maliit na supot na may siyam na transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, gunting, at P2,600 cash.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

(Leandro Alborote)