HAVANA (AFP) – Pumanaw na si Ramon Castro, ang panganay na kapatid na lalaki nina President Raul Castro at revolutionary icon Fidel Castro, ipinahayag ng Cuban state media nitong Martes. Siya ay 91.

Ang magsasakang si Ramon Castro, itinuturing na “Heroic Worker of the Republic of Cuba” ay hindi sumabak sa rebolusyon ngunit maimpluwensiya sa larangan ng agrikultura. Siya ay pangalawa sa pitong anak na lalaki ng Spanish immigrant farmer na si Angel Castro at ng Cuban na si Lina Ruz. Nang sumabak sa rebolusyon ang kanyang mga kapatid na lalaki, si Ramon ang namahala sa kanilang sakahan.

“I don’t look like Fidel,” madalas niyang biro, ikinatwirang “he looks like me, since I’m older.” Si Raul Castro ay 84 at si Fidel Castro ay 89.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina