Sugatang isinugod sa ospital ang 16 na construction worker matapos na bumaligtad ang sinasakyan nilang dump truck sa Sitio Casgayan sa Barangay Canaam, Vintar sa Ilocos Norte, kahapon.

Ayon kay Senior Insp. Fritz Tabula, hepe ng Vintar Municipal Police, ginagamot sa Gov. Roque Ablan Sr. Memorial Hospital ang mga biktima, habang naka-confine ang isa sa kanila na kinilalang si Edgar Morales y Taylan, ng Bgy. Gulpeng, Pinili.

Sinabi ng pulisya na nasugatan sa ulo si Morales nang tumama ito sa welding machine na kasama sa mga nakakarga sa dump truck. (Fer Taboy)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog