Isang dalawang taong gulang na lalaki ang kasamang tinupok ng apoy matapos masunog ang hilera ng kabahayan sa Sitio Anita, Barangay Sta. Clara sa Batangas City.

Kasamang tinupok ng kanilang tahanan si RJ Bajar, noong Linggo ng madaling araw.

Nasa 40 pamilya naman ang nawalan ng bahay at inilikas sa Sta. Clara Elementary School.

Ayon sa report ni PO3 Alexander Rosuelo, dakong 2:40 ng umaga nang masunog ang squatter’s area, na ang pagliliyab ay nag-umpisa sa bahay ng mga Bajar.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Inabot ng halos isang oras bago naapula ang sunog, na tumupok sa P100,000 halaga ng ari-arian at hindi pa batid ang sanhi. (Lyka Manalo)