Ni Gilbert Espeña

Naungusan ni Jonathan Refugio si one-time world title challenger Richard Claveras via 12-round unanimous decision para masungkit ang WBC International light flyweight crown nitong Sabado sa Hagonoy Sports Complex, Taguig City.

Ito ang ikaapat na pagtatangka at unang panalo ni Refugio sa regional title kaya inaasahang papasok siya sa world rankings ng WBC sa Pebrero.

Tinalo naman sa puntos ni OPBF flyweight champion Ardin Diale si challenger Jonathan Francisco kaya tiyak namang aangat siya sa world ranking kung saan nakalista siyang No. 7 kay IBF 112 lbs. champion Juan Francisco Estrada ng Mexico at No. 8 kay IBF flyweight titlist Amnat Ruenroeng ng Thailand.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Natamo naman ni Donny Mabao ang Philippine flyweight belt nang talunin sa puntos ang beteranong si Michael Enriquez, habang ginapi ni Dennis Padua si Stephen Gelawa para maisuot ang RP welterweight belt.