Tiniyak ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na sapat pa rin ang supply ng asukal sa bansa sa kabila ng nararanasang El Niño phenomenon.

Paliwanag ni SRA Administrator Ma. Regina Bautista-Martin, umangkat na ang ahensiya ng aabot sa 170,000 metriko tonelada ng asukal para maiwasan ang pagtaas ng presyo nito sa merkado.

Aniya, mababawasan ng hanggang 10 porsiyento ang produksiyon ng asukal sa bansa dahil sa El Niño.

Inaasahan ng SRA na darating sa bansa sa susunod na mga buwan ang 100,000 metriko tonelada ng asukal mula sa Amerika, na inaasahang magpapatatag sa supply nito.

National

4 na senador, binawi ang pirma sa Adolescent Pregnancy Bill

“Additional sugar imports will help maintain a healthy buffer stock, as local exporters and traders attempt to fulfill Manila’s commitment to Washington’s tariff quota scheme,” ani Martin. (Rommel P. Tabbad)