STA. MARIA, Isabela – Nasawi ang isang barangay chairman habang sugatan naman ang kasamahan niyang isa ring opisyal ng barangay, matapos na maaksidente at tumaob ang sinasakyan nilang service patrol tricycle sa Barangay Poblacion 1 sa bayang ito.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Joseph Callueng, 46, may asawa, chairman ng Bgy. Villabuena; habang sugatan naman si Federico Mendoza, Jr., 31, nagmamaneho ng tricycle, ng Bgy. Villabuena, Sta. Maria.

Ayon sa Isabela Police Provincial Office, nangyari ang aksidente dakong 10:20 ng gabi nitong Miyerkules sa Bgy. Poblacion 1, Sta. Maria. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae