Bea at John Lloyd copy

TUMAWAG ang aming source tungkol sa natsismis na relasyong Bea Alonzo at John Lloyd Cruz na kumalat kamakailan at sinasabing dahilan daw kaya nakipaghiwalay ang aktor kay Angelica Panganiban.

Dati na naming isinulat na walang relasyon sina Lloydie at Bea at hanggang pelikula lang ang love team nila, hindi sa totoong buhay.

Pero marami pa rin ang nagsabing nagkatuluyan na off-cam sina Popoy at Basha.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

“Sinabi ko naman dati sa ‘yo, di ba, ayaw mo maniwala. Wala talagang relasyon sina John Lloyd at Bea, magkaibigan lang sila. Nataon lang na umugong ang tsismis kasi nahiwalay din si Be (tawag sa youngest movie queen) kay Z (Zanjoe Marudo).

“Mahal nina Be at Z ang isa’t isa, maniwala ka sa akin, kaya ‘yang John Lloyd thing, hindi ‘yan,” sabi ng aming source.

Kamakailan lang ay nagsalita na rin si Lloydie na mariing itinanggi ang tsismis na may relasyon sila ni Bea.

Samantala, may naikuwento sa amin noon ang isa pang taong malapit sa aktor na pakiramdam niya ay wala pa sa plano ni JLC na mag-asawa dahil mas priority nito ang pamilya niya.

Isa raw siguro ito sa mga dahilan kaya naghiwalay sina John Lloyd at Angelica, dahil gusto na ng aktres na lumagay sa tahimik at magkaanak, pero hindi pa handa ang aktor.

Oo nga, kamakailan lang ay dinala ni Lloydie sa Balesin Island ang buong pamilya niya at walang kasamang ibang babae dahil ang gusto ng aktor ay wala siyang ibang aasikasuhin kundi ang mga kaanak niya. (REGGEE BONOAN)