TALAVERA, Nueva Ecija - Malalakas na dagok ng kamao ng isang 20-anyos na binata ang kumitil sa buhay ng 56-anyos niyang kainuman na nakaalitan niya sa Purok 4, sa Barangay Bacal III sa bayang ito.

Sa ulat sa tanggapan ni Senior Supt. Manuel Estareja Cornel, Nueva Ecija Police Provincial Office director, nakilala ang biktimang si Domingo Bariwan y Marso, driver, tubong Bagabag, Nueva Vizcaya, habang nakatakas naman si Raymond Emon Sabado, kapwa ng Bgy. Bacal III.

Napag-alaman na matapos ang inuman ay sabay na umuwi ang suspek at ang biktima at sumakay sa tricycle na minamaneho ni John Paolo Lumban Samonte, dakong 7:00 ng gabi nitong Miyerkules.

Nagtalo umano ang dalawa hanggang pagsusuntukin ni Sabado si Bariwan. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog