LLANERA, Nueva Ecija — Matapos ang dalawang araw na paghahanap, natagpuan ang isang 35-anyos na magsasaka na lumulutang sa Casecnan irrigation canal sa Barangay Plaridel, sa bayang ito.

Kinilala ng Llanera Police ang nalunod na si Renato Uy y Tagsit, may asawa, residente ng nasabing lugar.

Sa pagsisiyasat ni PO2 Ernesto Jose Baltazar, dakong 5:45 ng hapon nitong Martes nang mamataan ang bangkay ni Uy sa irigasyon matapos itong magpaalam noong Linggo na patutubigan ang kanilang palayan ngunit hindi na nakauwi.

Nabatid na nakipag-inuman pa ito sa ilang kaibigan bago nagpasyang maligo sa irigasyon. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog