MiguelTanfelix-BiancaUmali-4- copy

SA set visit naman namin sa Wish I May Kapuso afternoon drama, tinanong ni Yours Truly si Miguel Tanfelix kung ano ang Valentine gift niya sa ka-love team niyang si Bianca Umali.

“Ang ibinigay ko po ay book na ang title ay Bazaar of Bad Dreams. Kasi kilala ko po si Bianca na ang gusto niyang binabasang libro ay ‘yung medyo scary. Siya, wala siyang regalo sa akin,” sagot ni Miguel.

“Sabi secret daw, eh,” hirit namin.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Ah, secret daw? Meron?”natuwang balik-tanong niya.

Naku, eh, baka sagutin ka na ng ‘yes’, sabi uli namin. Teka, nililigawan ba niya si Bianca?

“Hindi, eh. Eh, kasi 15 pa lang siya, 17 lang ako.”

Balitang crush niya si Barbie Forteza, how true?

“Ah, marami po akong hinahangaan sa Kapuso stars. Isa na nga si Bianca, si Barbie at si Marian Rivera po.”

Pinamili ni Yours Truly ang Miguel between Bianca and Barbie, sinex ang masasabi niyang “Wish I May I’m your love of your life”?

“Ako po kasi mas madalas kong kasama si Bianca at mas kilalang-kilala ko po siya, ‘yun, siguro, Bianca, Bianca. Pero kaibigan ko po si Barbie. Kaibigan ko po siya,“ mariing sagot ng Miguel.

E, ano naman ang wish niya para kay Bianca?

“Ang wish ko kay Bianca... sana mas mahalin pa niya... ‘yung work, ha-ha-ha! Sana ipagpatuloy pa niya ‘yung madali siyang kasama sa trabaho, kaibigan. Pero sa totoo lang, crush ko si Bianca. Crush lang muna talaga, siyempre,” pag-amin ng binatilyo.

K, cool! Niwey, ang Wish I May serye ay napapanood after Eat Bulaga. (MERCY LEJARDE)