Patay ang isang opisyal ng barangay matapos pagbababarilin nang malapitan ng hindi nakilalang suspek na hinihinalang may kaugnayan sa kandidatura, sa Makati City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Makati City Police chief, Senior Supt. Ernesto Barlam, ang biktimang si Federico Dionisio,40, peace and security officer ng Barangay Guadalupe Nuevo.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, dakong 1:00 ng umaga nang barilin ng suspek sa likod si Dionisio habang nakikipag-usap ang huli sa isang driver at isang binatilyo sa naturang barangay.

Bago umano duguang bumagsak ang biktima ay nagawa pa nitong maitulak ang binatilyo upang hindi tamaan ng bala ng baril.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ayon sa pahayag ng binatilyo sa awtoridad, matapos bumulagta si Dionisio ay ilang beses pa itong binaril ng suspek.

Inaalam na ng awtoridad kung may CCTV sa lugar para matukoy ang suspek.

At dahil opisyal ng barangay ang biktima, hindi inaalis ang posibilidad na may kaugnay sa kanyang trabaho ang pamamaslang. (Bella Gamotea)