Sa kulungan nag-almusal ang isang problemadong binata na dumayo at nagpaputok ng baril sa Parañaque City, kahapon ng madaling araw.

Kasong kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Illegal Possession of Firearms and Ammunition at Omnibus Election Code) sa Parañaque Prosecutor’s Office ang kinakaharap ngayon ng suspek na si Ronnie Castillo, 19, mason, residente sa Holes Compound, Barangay Manuyo 2, Las Piñas City.

Sa pagsisiyasat ni SPO2 Christopher Nollido, imbestigador ng Station Investigation Detective Management Branch (SIDMB) ng Parañaque City Police, dakong 5:00 ng madaling araw nang magwala at magpaputok, gamit ang kalibre .38 na baril, ang suspek sa Lagoon, Bgy. BF Homes. (Bella Gamotea)

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji