Magpapatupad ng big-time oil price rollback ang mga kumpanya ng langis sa bansa, sa pangunguna ng Pilipinas Shell, ngayong Martes ng umaga.

Ayon sa Shell, epektibo dakong 6:00 ng umaga ngayong Pebrero 16 ay magtatapyas ito ng P1.40 sa kada litro ng gasolina, P0.90 sa kerosene, at 70 sentimos sa diesel nito.

Asahan ang pagsunod ng iba pang kumpanya ng langis sa pagpapatupad ng kaparehong bawas-presyo, kahit hindi pa naglalabas ng abiso ang mga ito. (Bella Gamotea)

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary