Namatay habang ginagamot sa ospital ang isang binata dahil sa mga sugat na tinamo niya sa iba’t ibang bahagi ng katawan matapos siyang magkasunod na mabundol ng dalawang sasakyan sa Lipa City, Batangas.

Binawian ng buhay sa Metro Lipa Hospital si Patrick Lawrence Bernabe, 20, taga-Barangay Marawoy, sa lungsod.

Ayon sa report mula sa Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 9:50 ng gabi nitong Pebrero 13, tumatawid si Bernabe sa kalsada ng Bgy. Marawoy nang mahagip siya ng Isuzu Fuego pick-up (DSX-333).

Dahil sa lakas ng bundol, tumilapon siya sa kabilang kalsada at nabundol naman doon ng Toyota Vios (PQR-865).

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Kapwa nasa kostudiya ng pulisya ang driver ng pick-up na si Ramil Briones, 48, at ang nagmaneho sa Vios na si Danilo Sagmit Jr., 24 anyos. (Lyka Manalo)