CONCEPCION, Tarlac - Dalawang driver at limang pasahero ang iniulat na nasugatan sa iba’t ibang bahagi ng katawan matapos sumalpok sa likuran ng isang pampasaherong jeepney ang Solid North Bus, sa highway ng Barangay San Francisco sa Concepcion, Tarlac.

Ayon kay PO2 Regie Amurao, isinugod sa Sta. Rita Hospital sina Wilson Mendoza, 31, driver ng jeep (DBG-581); April Bianca David, 20, ng Bgy. Alfonso, Concepcion; Albert Ariola, 37, ng Bgy. San Francisco, Concepcion; Russel Perez, 14, ng Bgy. Sta. Cruz, Magalang, Pampanga, samantala sa Medical City naman sa Pampanga isinugod si Gabriel Rivera, 13, ng Bgy. San Vicente.

Nasugatan din ang dalawang pasahero ng bus (UVH-402), na minamaneho ni Janzen Panlican, 36, ng Bamban, na sina Irish Geil Barameda, 28, ng Bgy. Sto. Cristo, Tarlac City; at Lara Luz Rillera, 26, ng Angeles City, Pampanga.

(Leandro Alborote)
Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga