Toni copy

BUNTIS na si Toni Gonzaga-Soriano sa panganay nila ni Direk Paul Soriano.

Ito ang balitang kumalat noong Huwebes pero walang detalye kung ilang buwan na.

Nagtanong kami sa kampo ni Toni at ang sabi sa amin, “First trimester daw, eh, so ilang buwan ‘yun?”

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

‘E, di tatlong buwan,’ sabi namin sa aming kausap.

Noong nakaraang Hunyo 12 ikinasal sina Toni at Direk Paul Soriano kaya maaaring bandang Oktubre o Nobyembre nagsimula ang pagbubuntis ng TV host/actress.

Nakuwento rin sa amin na hindi nakakapag-taping minsan si Toni ng seryeng Written In Our Stars dahil masama ang pakiramdam kung minsan.

Matatandaang ipinangako ni Toni na tatapusin muna niya ang seryeng pagsasamahan nila nina Piolo Pascual, Jolina Magdangal at Sam Milby bago siya magdalanto, pero hindi na nga matutupad dahil kailangan niya ng sapat na pahinga.

“Nu’ng una hindi pa kasi sure, pero nu’ng nagpa-check up na, ‘yun nga buntis na,” sabi ng kausap namin.

Ano ang mangyayari sa Written In Our Stars? “Tuloy pa rin, papalitan na malamang si Toni kasi hindi naman siya puwedeng magpuyat at mapagod,” say sa amin ng kampo ng aktres.

Samantala, hindi naman daw mawawala si Toni sa hosting job niya dahil tuluy-tuloy pa rin siya sa ASAP 20 at kung hindi magbabago ay sa nasabing programa rin daw nila ia-announce ni Direk Paul na magkakaroon na sila ng baby.

(REGGEE BONOAN)