Alden at Maine copy copy

NAGSIMULANG masaya at kilig-kiligan ang AlDub Nation sa loob ng Broadway studio ng Eat Bulaga noong Huwebes nang mag-celebrate ng 30th weeksary ang phenomenal love team nina Alden Richards at Maine Mendoza aka Yaya Dub/Divina. 

Muling sinorpresa ng AlDub ang kanilang fans nang papuntahin sa studio si Divina na ang alam ay doon siya sa barangay kasama ng mga lola (Wally Bayola at Paolo Ballesteros) at Jose Manalo as Frankie Arinolli.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Doon pala sa studio babasahin ni Alden ang ipinagawang tula ni Lola Nidora bilang patunay na mahal nito ang kanilang apong si Divina. Kaya isinama ni Alden si Divina sa harap ng kanilang fans sa loob ng studio at binasa ang tula.

Ito ang kabuuan ng tula ni Alden para kay Maine: “Totoo pala ang sinasabi nila/ Na ang mga magagandang bagay/ darating sa tamang tao, sa tamang pagkakataon/ Walang labis, walang kulang/ at makakamtam sa tamang panahon.

“Tama sila, tinamaan na yata ako/ Di ko akalain na sa unang pagpansin/ Na sa una mong pagtingin/ Ako’y mahuhumaling/ Kilig, kilig nga lang ba?/ Pero bakit iba ang nadarama/ ng dibdib kong may pagtataka?

“Naiiba ka/ At maaaring hindi lahat ay nasa iyo/ Pero sinisiguro ko na sa iyo lang ang pusong ito.

“Paulit-ulit nila akong tinatanong, ‘Siya ba talaga? Totohanan na ba?’ At sa mga di ko pagsagot/ marami silang paniniwala at paghuhusga/ Pero balewala lamang sa akin ang mga yon? Pagkat sa akin ikaw lang ang mahalaga.

“Noon takot ako/ Takot ako sa maraming bagay/ Sa mga akala kong limitasyon ng aking buhay/ Pero nang ika’y nakilala nawala ang aking pangamba/ Bagkus napalitan ng ligaya.

“Saksi ang Diyos sa marami kong pagsubok/ Saksi Siya sa marami kong pinagdaanan/ Pero marunong Siyang magbigay ng palatandaan/ Na malapit ako sa dapat kong paroroonan/ Pinasamahan Niya ako ng isang anghel/ Isang anghel na hahawak sa aking mga kamay/ At mananatili panghabang buhay.

“Kaya salamat sa lahat/ Hindi na kailangan isa-isahin pa/ Tutal nag-iisa ka lang sa buhay ko/ Sana pangmatagalan na ang ligaya nating ito/ At sagutin mo na ako ng matamis mong OO.”

Habang binabasa ni Alden ang tula ilang beses siyang naging teary-eyed at kinu-console naman siya ni Maine. Limang roses ang ibinigay ni Alden kay Maine na nagsasabing “will you be my Valentine?”

Pumasok si Lola Nidora at sagutin daw nina Alden at Maine ang tanong niya noong nakaraang Sabado na: “Alden, Maine, handa na ba kayong umibig?”

Mabilis na sumagot si Alden ng “opo, lola, matagal na.” Si Maine naman ang sunod na tinanong ni Lola kung handa na siyang umibig, pero tahimik lamang si Maine na nakatitig kay Alden, itinayo siya ni Alden at niyakap, umiyak si Maine, pero bumitiw sa yakap ni Alden at umalis. Iyakan ang mga fans sa studio, bakit daw hindi sumagot si Maine at sa halip ay iniwanan si Alden? Parang hindi rin alam ni Alden ang gagawin, pero sinundan niya si Maine na naroon sa kanyang lungga sa studio, umiiyak. Muli silang nagyakapan pero walang narinig sa kanilang usapan dahil wala silang audio at bumusina, kaya freeze na ang lahat.

Ngayong Sabado ay pinayagan ni Lola Nidora ang request ni Alden na mag-road trip silang dalawa ni Maine, para sa first time na pagsi-celebrate nila ng Valentine’s Day. Saan kaya pupunta sina Alden at Maine at paano nila isi-celebrate ang Araw ng mga Puso? (NORA CALDERON)