NUEVA ECIJA — Nakuha sa matiyagang pagtugis ng Talavera Police ang isang lalaking suspek sa panggagahasa sa Barangay San Pascual, Talavera, Nueva Ecija, nitong Miyerkules ng hapon.

Sa ulat na ipinarating ni Supt. Roginald A. Francisco, hepe ng Talavera Police, kay Senior Supt. Manuel Estareja Cornel, Nueva Ecija Police Provincial Office director, nakilala ang suspek na si Mark Jeff Andasan, 26, binata, residente ng nasabing barangay.

Si Andasan ay nasukol ng mga awtoridad sa pangunguna ni PO3 Edwin Santos, bitbit ang arrest warrant na inisyu ni Judge Anarica J. Castillo-Reyes, ng Regional Trial Court (RTC) Branch 88, Sto. Domingo, Nueva Ecija, na may petsang Marso 17, 2015. (Light A. Nolasco)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?