BATANGAS — Patay ang isang babaeng caretaker ng tubuhan makaraang pagbabarilin ng umano’y dating karelasyon nito sa Barangay Coliat, Ibaan, Batangas.

Kinilala ang biktima na si Rhoda Garcia, 39, na binaril ng suspek na si Roman Mahinay Jr., 33 anyos.

Sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), nangyari ang krimen, dakong 8:20 ng umaga nitong Pebrero 9 at naaresto ang suspek sa follow-up operation.

Love triangle ang tinitingnang motibo sa pamamaslang. (Lyka Manalo)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog