Pinagbabaril hanggang mamatay ang isang lalaki at dalawa nitong anak sa baybayin ng Barangay Kulisap, Payao, Zamboanga Sibugay, iniulat ng pulisya kahapon.

Ayon sa Police Regional Office (PRO) -9, natagpuang magkakahiwalay at palutang-lutang sa dagat ang mga bangkay, dakong 4:00 ng hapon, nitong Miyerkules.

Nabatid na pauwi na ang mga biktima nang lapitan sila ng mga hindi nakilalang suspek at pinagbabaril.

Ayon kay SPO2 Marilou Reynacia, imbestigador ng Payao Municipal Police Station (PMPS), unang nakita ang bangkay ng siyam na taong gulang na si Reymart Gorgonio at sunod na natagpuan si Philip Gorgonio, 12, at ang kanilang ama na hindi pa pinapangalanan.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Walang nakuha na anumang personal na gamit mula sa mga biktima kaya palaisipan sa mga pulis kung ano talaga ang motibo sa pamamaril.

Hindi rin masabi ng pulisya kung biktima ng mga pirata sa lugar ang mag-aama. (Fer Taboy)