JAKARTA, Indonesia — Bumulusok ang isang eroplano ng Indonesian air force sa isang bahay kahapon sa isla ng Java, na ikinamatay ng dalawang lalaki at ikinasugat ng isang babae, sinabi ng isang opisyal.

Nasa routine training flight ang eroplano nang bumulusok malapit sa Abdul Rahman Saleh air force base, sinabi ni Maj. Hamdi Londong, tagapagsalita ng base sa bayan ng Malang, sa East Java province.

Ayon sa kanya, agad na namatay ang dalawang piloto ng Brazilian-made Embraer EMB 314 Super Tucano light attack plane at isang babaeng nakatira sa bahay ang kritikal ngayon sa ospital.

Iniimbestigahan pa ang dahilan ng aksidente.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo