Christopher copy

PAPASOK pala si Christopher de Leon sa Ang Probinsiyano at magti-taping na siya this week. Hindi namin natanong kung ano ang magiging role ni Boyet sa hit teleserye ni Coco Martin.

Kasama rin si Boyet sa Ang Panday bilang kontrabida ni Richard Gutierrez. Sa TV5 naman ito mapapanood. Nakita namin ang pictures nina Boyet at Richard na parehong naka-costume at may prosthetic make-up pa si Boyet.

May gagawing pelikula pa si Boyet to be directed by Carlo J. Caparas, hindi pa namin alam ang title, pero magsisimula na rin siyang mag-shooting.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Kasama rin si Boyet sa cast ng indie film ni Direk Paul Soriano na bida si Shaina Magdayao. Nag-storycon na ang pelikula na hindi pa (rin) sinasabi ang title.

Balita namin, babalik pa ang karakter ni Boyet na si Atty. Castañeda sa Little Nanay. Sabi ng manager ni Boyet na si Lolit Solis, gusto ni Boyet na araw-araw nagtatrabaho, kaya wala itong reklamo sa marami niyang projects.

(Nitz Miralles)