Para sa mas mahigpit na seguridad at maiwasan ang pagpupuslit ng mga kontrabando, nagkabit ng karagdagang 60 closed circuit television (CCTV) camera sa siyam na ektaryang lawak na Maximum Security Compound ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City kahapon.

Inihayag ni NBP Superintendent Richard Schwarzkopf Jr., na mula sa 20 CCTV na nakakabit sa MSC, ay dinagdagan ito ng 60 camera upang mabantayan ang galaw ng mga preso at maging ng mga prison guard sa naturang piitan.

Naghihinala ang opisyal na may nagaganap na sabwatan sa mga prison guard at bilanggo kaya hindi maubus-ubos ang mga ipinagbabawal na gamit na nakukumpiska tuwing nagsasagawa ng “Oplan Galugad” ang Bureau of Corrections (BuCor).

(Bella Gamotea)
Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador