CALATAGAN, Batangas - Namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang isang 26 anyos na lalaki habang sugatan naman ang nakakatanda niyang kapatid makaraan silang pagbabarilin sa Calatagan, Batangas.

Dakong 11:00 ng gabi nitong Linggo nang binawian ng buhay si Gilberto Malabanan dahil sa tinamong mga tama ng bala sa leeg, dibdib, at likod.

Ginagamot pa sa Batangas Medical Center si Reynaldo Malabanan, 29, na nabaril naman sa likod.

Ayon kay Chief Insp. Joey Jonathan Bagayao, hepe ng Calatagan Police, dakong 6:42 ng gabi nitong Linggo nang pagbabarilin ang magkapatid habang sakay sa motorsiklo (2815-DG) sa Barangay Balibago.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

Nabatid sa report ng pulisya na akusado sa robbery at carnapping sa Balayan at Lian ang magkapatid na Malabanan, bukod pa sa illegal possesion of firearms, habang nasa drug watch list naman ng Lian si Reynaldo. (Lyka Manalo)