Hindi lang ang sinapit na pang-aabuso kundi maging ang sakit na naidulot nito ang mahigit isang taon nang inililihim at tinitiis ng isang 12-anyos na babae, na hinalay ng kanyang stepfather sa Barangay Sta. Rita, Capas, Tarlac.

Pinaniniwalaang lumala na dahil hindi agad na nabigyang lunas ang impeksiyon sa ari ng bata na dulot ng panggagahasa umano sa kanya ni Nomeriano Mallari, 58, may asawa, ng nasabing barangay.

Ayon kay PO2 Haydee Talabucon, dalawang beses hinalay ang biktima noong nakaraang taon, at binantaan umano ng suspek na papatayin kapag nagsumbong sa ina nito.

Ngunit nang hindi na matiis ng bata ang iniindang sakit ay napilitan siyang magsumbong sa ina, na agad naman siyang ipinasuri sa doktor hanggang nakumpirmang may impeksiyon siya sa ari. (Leandro Alborote)

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget