Pebrero 3, 1959 nang mamatay ang mga musikerong sina Buddy Holly, J.P. Richardson, at Ritchie Valens matapos bumulusok ang sinasakyang Beechcraft Bonanza plane malapit sa Clear Lake, Iowa, na bumibiyahe patungong Moorhead, Minnesota.
Dakong 12:55 ng umaga ng araw na iyon, nahihirapang lumipad ang eroplano dahil sa pag-ulan ng niyebe na may kasamang malakas na hangin, at ilang milya lamang ang tinakbo bago mangyari ang trahedya. Ang mga nabanggit na musikero ay kabilang sa “Winter Dance Party” tour sa 24 Midwestern cities.
Inawit ni Holly ang pambansang awit bago tuluyang pumasok sa rock and roll, habang si Richardson ay isang disc jockey at songwriter, at si Valens naman ay may iba’t ibang hits. Nakunan ang asawa ni Holly na si Maria Elena dahil sa trauma isang araw matapos mangyari ang trahedya.
Isiniwalat ng imbestiagdor na ang 21 taong gulang na piloto ng bumulusok na eroplano na si Roger Peterson ay very inexperienced” sa pagpapalipad ng eroplano na masama ang lagay ng panahon, at maaaring nagkamali ng pagkakaintindi sa altitude indicator.