MARIEL AT ROBIN copy

TAWA nang tawa si Mariel Rodriguez nang tanungin namin kung nagselos ba siya sa pole dancer na si Celine Venayo, isa sa contestants sa Pilipinas Got Talent 5 nitong nakaraang Linggo.

“Ha-ha-ha, joke time lang ‘yun! Hindi ako nagseselos, natutuwa nga ako sa PGT, eh. That’s just for fun. Masyado nang malalim ang marriage namin ni Robin (Padilla) para magselos sa mga bagay na ganu’n. Mabait at mabuting asawa si Robin,” sabi ni Mrs. Mariel Rodriguez-Padilla.

Trending kasi ang tweet ni Mariel na, “Naku, masusubok na naman ang asawa ko, he-he-he-he, pole dancing pala!!!

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

#PGTHanepSaGaling”. Sinundan ito ng magkasunod na tweet na, “Mag-i-enroll ako ng pole dancing bukas, promise!

#PGT5HanepSa Galing,” at “Don’t worry guys, okay pa ang TV namin dito sa bahay. Ha-ha-ha, cute #PrayForMarielsTV ha, ha #PGT5HanepSa Galing.”

Halata namang nagbibiro si Mariel sa mga tweet niya dahil kung talagang seryoso o galit o iritado siya ay tiyak na hindi siya magpo-post dahil tahimik siya kapag galit.

Pabiro, muli namin siyang tinanong kung mag-i-enrol nga talaga siya sa pole dancing.

“Hindi pa naman, nag-a-adjust pa ako sa schedule ng It’s Showtime, doon ako naka-focus. Wala munang extra curricular activities like learning pole dancing.

“But before when we were still living in Fairview, I was really interested, we even had a pole installed in our gym, but I couldn’t find a teacher that would teach me at home,” pahayag ng magandang misis ni Robin.

Ano naman ang masasabi niya sa reaksiyon ni Robin sa pole dancer, na umamin pang sobrang nabighani siya nang husto.

“Cute reaction ni Robin, nakakatawa,” kaswal na sagot ng isa sa Showtime hosts.

Samantala, kitang-kita sa mga mata ni Mariel na napakasaya niya simula nang makabalik siya sa ABS-CBN, kaya naman pinagbubuti niya ang hosting job niya sa Showtime at puring-puri siya ng mga kasama at buong staff.

Pero kahit bisi-bisihan siya sa Showtime, hindi siya nawawalan ng oras para kay Robin dahil pag-uwi niya ay naipaghahanda pa rin niya ito ng masasarap na pagkain.

Tulad ng post niyang photo ng giniling na beef para sa lasagna na may caption siyang, “Kitchen smells good, this will be waiting for you when you come home robinhoodpadilla.” (Reggee Bonoan)