Austria compton

Ang paniniwala ni Compton sa long break bago mag Game 7

Ni Marivic Awitan

Tahasang sinabi ni Alaska Coach Alex Compton na ang mahabang break bago idaos ang Game Seven ng 2016 PBA Philippine Cup Finals series ay magiging pabor sa katunggali nilang San Miguel Beer.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ang dalawang finals protagonist na naghaharap kada isang araw ay nagkaroon ng apat na araw na break upang makapahinga at makabawi ng lakas bago ang huling laro ng best-of-seven series sa Miyerkules sa Mall of Asia Arena.

Ang SMB center na si June Mar Fajardo ang labis na makikinabang sa naturang break dahil kasalukuyan pa ring nasa “recovery process” ang reigning league MVP sa kanyang injury sa kaliwang tuhod sa kabila ng nakalaro na ito sa nakaraang series.

“I think the rest is actually better for San Miguel than us,” pahayag ni Compton sa panayam na lumabas sa Spin.ph kasunod ng naging kabiguan ng Aces sa Game Six noong Biyernes.

Ngunit para kay SMB coach Leo Austria, parehas na makikinabang ang magkabilang panig sa apat na araw na pahinga.

“I think it (rest) will be good for both teams,” ayon kay Austria.”I think June Mar will be able to recover. Until now, he’s only seventy percent. I hope in Game Seven, maka-eighty-five to ninety na.”

Ayon pa kay Compton, kumpara sa kanyang koponan, higit na nakapahinga ang Beermen dahil may mga manlalaro silang sumabak sa ilang international stints gaya nina Calvin Abueva at Vic Manuel na sumabak para sa Gilas at sa FIBA 3x3 bago ang season-opening conference.

“Some people have written that they’re (Beermen) tired, but I think they shouldn’t be any more tired than us,” ani Compton. “We got guys doing some stuff for Gilas. Calvin and Vic played three-on-three and they didn’t have anyone doing that stuff.”

“So they’re rested,I think they’re fresh.”

Kapwa nagpahinga ang dalawang koponan at hindi nag-ensayo noong nakaraang Sabado bago muling sumalang sa preparasyon sa kanilang do-or-die game kahapon, Linggo.