Sisisimulan ng Talk ‘N Text ang kanilang title defense sa pagsisimula ng mid-season conference - 2016 PBA Commissioner’s Cup sa Pebrero 10 sa Smart Araneta Coliseum.

Uumpisahan ng Tropang Texters ang kanilang kampanya sa pagsagupa nila sa Blackwater sa pambungad na laban ganap na 4:15 ng hapon na susundan ng salpukan ng Star at Meralco ganap na 7:00 ng gabi.

Nauna nang nagpalabas ang PBA ng schedule ng unang pitong laro ng second conference.

Kabilang na rito ang laban ng GlobalPort na inspirado mula sa kanilang semifinals finish sa Philippine Cup kontra sa Mahindra sa Pebrero 12 na magsisimula ng 4:15 ng hapon kasunod ng sagupaan ng “crowd favorite” Ginebra kontra NLEX ganap na 7:00 ng gabi sa parehas ding venue.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Magsisilbi ding host ang Araneta Coliseum sa salpukan ng Ginebra at Globalport sa Araw ng mga Puso-Pebrero 14 gayundin sa unang laban ng bagong prangkisang Phoenix Petroleum na makakaharap ang NLEX sa Pebrero 17.