CONCEPCION, Tarlac - Isang barangay kagawad at apat na iba pa ang inaresto ng mga pulis sa buy-bust operation sa Barangay San Jose, Concepcion, Tarlac.

Sa report ni PO2 Jose Dayrit Balatbat, inaresto si Gil Pascua, Jr., kagawad ng Bgy. Sta. Rita; habang naaktuhan naman sa pot session sina Marlon Timbol, 41, ng Bgy. San Jose; Gilbert Villavicencio, 48, ng Bgy. San Nicolas Poblacion; Ernesto Ignacio, 30; at Henry Angeles, 46, ng Bgy. Jefmin, pawang sa Concepcion.

Nakumpiskahan ng tatlong transparent plastic sachet na may lamang shabu at drug paraphernalia, nabatid sa imbestigasyon na madalas umanong magbenta ng ilegal na droga si Pascua sa Bgy. San Jose sa Concepcion.

(Leandro Alborote)
Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog