Ellen at Ejay
Ellen at Ejay

Ni JIMI C. ESCALA

KUNG dati ay ayaw magkomento ni Ellen Adarna, sa presscon para sa huling apat na linggo ng Pasion de Amor ay inamin ng seksing aktres na niligawan siya ng co-star niyang si Ejay Falcon habang ginagawa nila ang naturang Kapamilya serye. 

Nahinto lang daw ang panliligaw ni Ejay dahil meron silang naging hindi pagkakaunawaan. Ayaw na niyang ikuwento ang dahilan ng tampuhan nila, basta naayos naman daw nila at okey na uli ang samahan nilang dalawa.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sey pa ni Ellen, nu’ng mga panahon iyon ay hindi pa talaga siya handang makipagrelasyon muli. So, basted si Ejay? 

“Well, hindi naman ganu’n. Actually hindi naman siya ano… ako lang ang medyo niinis sa sarili ko. Kasi nga parang hindi pa talaga ako ready,” sagot ni Ellen. 

Wala pa raw talaga sa sarili niya ang magpaligaw uli. Hindi pa siya handa sa ganoong sitwasyon kaya hindi na rin itinuloy ni Ejay ang panliligaw.

So, ngayon puwede na ba siyang ligawan ? 

“Well, sa totoo lang, until now, ayoko pa rin… I hate love… Wala ako sa mood,” pailing-iling na sagot ni Ellen. 

Naunawaan naman daw siya ni Ejay. Maayos niyang nasabi sa binata na hindi pa siya ready. 

“Actually nu’ng time na ‘yun, kaka-break ko pa lang sa boyfriend ko and then I was open to date different guys. That’s why I dated Ejay to be fair with others, and then I realized na hindi pa talaga ako ready, kaya I cut him,” paliwanag pa ni Ellen . 

Samantala, may isang buwan pa silang madalas na magkikita ni Ejay sa taping ng Pasion de Amor. Maaari pang may mangyari sa loob ng panahong iyon. Bibigyan na kaya niya ng pag-asa si Ejay? 

“Hindi ko naman sinasabing no, no, no. Kasi, the more you say it, baka doon pa mag-ano. But I’m not open now. Hindi nga ako nag-i-entertain ng iba. I’m not so sure nga what I want.” 

Hindi rin naman daw nararamdaman ni Ellen na liligawan siyang muli ni Ejay, huh!