Dalawang pinaghihinalaang drug pusher ang naaresto ng pulisya sa buy-bust operation sa harapan ng isang shopping mall sa Caloocan City, nitong Linggo ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang mga naaresto na sina Alnor Goling, at Jomar de la Peña, kapwa 18-anyos, ng Meycauayan, Bulacan.

Dakong 1:30 ng hapon nang maaresto sina Goling at De la Peña sa isang mall malapit sa Bonifacio Monument matapos tumanggap ng marked money mula sa isang police agent sa ikinasang entrapment operation.

Ayon sa pulisya, nakatanggap sila ng impormasyon na talamak ang bentahan ng shabu sa naturang establisimyento, sa pangunguna ng dalawang teenager.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Isang sachet na naglalaman ng shabu ang nabawi ng pulisya kay Goling habang 11 sachet naman ang nakuha mula sa bag ni De la Peña.

Samantala, tumanggi namang magbigay ng pahayag ang dalawang naaresto. - Jel Santos