PiaWurtzbach_Senate_Pasay_Cruz_25Jan2016-3 copy copy

ILANG oras bago ginanap nitong nakaraang Huwebes ng hapon ang homecoming tribute sa Smart Araneta Coliseum kay 2015 Miss Universe Pia Alonzo Wurtzbach na sponsored ng ABS-CBN at dinaluhan ng lahat na naging beauty queen ng Pilipinas sa Smart Araneta Coliseum, maraming netizens ang nakibahagi sa #askmissuniverse session sa Twitter at isa sa mga naitanong sa kanya ang gusto niyang maging leading man kung bibigyan siya ng pagkakataon ng Star Cinema na gumawa ng pelikula.

“Sam Milby;)” ang sagot ng dalaga na agad nag-trending dahil nagkagulo ang Sam Milby fans na ilang beses itong ni-retweet

Tinanong din si Pia kung sino ang Filipina beauty na sa tingin niya ay puwede ring maging Miss Universe.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

“I can think of a lot. But if I had to pick one. Liza Soberano. She’s beautiful!” sagot uli ni Pia.

Sinagot din niya kung sino ang kanyang girl crush: “Beyonce of course, from one queen to another -:) –Pia #askmissuniverse.”

Hindi kami mahilig magbasa ng posts ng mga celebrity maliban lang kung may isyu, pero naaliw kami kay Pia kaya ipa-follow na namin siya. Game kasi siyang sumagot sa lahat ng mga itinatanong sa kanya ng followers niya. Kaya nabitin ang lahat noong kinailangan nang magpaalam ni Miss Universe at sabihing, “Thanks for chatting with me, I wish I had more time but I’ll be back soon. Mahal ko kayo --Pia.”

Nakarating naman kaagad ang sagot ni Pia kay Sam Milby na napangiti lang daw, marahil ay ayaw sakyan ang sinabi ng dalaga para hindi siya masabihang nakikisakay sa kasikatan nito ngayon.

Pero hindi tuluyang nakaiwas si Sam dahil magkasama sila ni Piolo Pascual para haranahin si Pia sa homecoming sa Araneta (mapapanood bukas ng gabi sa Sunday’s Best pagkatapos ng Gandang Gabi Vice).

Punumpuno ang Big Dome at hiyawan to the max nang makitang magkatabi sa entablado sina Pia at Sam plus Piolo kaya natatawa ang dalawa.

Kitang-kitang kinikilig si Miss Universe habang kumakanta na ang dalawang top leading man ng ABS-CBN kasi nga naman ang guguwapo ng mga mga nanghaharana sa kanya.

Nang tanungin ni Boy Abunda si Pia kung sino ang gusto niya kina Piolo at Sam, ang pangalan ng huli ang agad niyang binanggit kaya lalong naghiyawan ang mga tao sa loob ng Araneta Coliseum ng “Sam-Pia”.

Kitang-kitang nagulat si Sam sagot ng dalaga, napangiti ng napakaganda at matagal na napatitig sa dalaga.

Hmmm, hindi kaya magkaideya na ang Star Cinema na pagsamahin na nga sa pelikula sina Sam at Pia? Tutal may gagawing pelikula ang aktor sa kontrata sa Dos kaya baka i-consider si Miss Universe.

Ang alam namin ay matagal nang magkakilala sina Sam at Pia. Kung hindi kami nagkakamali ay 2007 pa. Hindi lang siguro nabigyan ng pansin noon ni Sam si Pia dahil nang mga panahong iyon ay may girlfriend siya.

Single si Sam dahil hindi naman niya inaaming officially on sila ng ETC host, blogger at commercial model na si Mari Jasmine kaya puwede naman niyang yayaing magkape sa kanyang Third District Coffee shop si Miss Universe, di ba, Bossing DMB?

(Paano, paalis na ang dalaga? –DMB)

Wish lang namin ay maging maganda ang muling pagkikita nina Sam at Pia or else baka maunahan na naman siya ng napakaraming lalaking biglang nagkagusto ngayon sa dalaga lalo na ang mga lalaking gustong makisakay sa kasikatan niya.

But knowing Sam, kaduda-duda kung may panahon na siya sa lovelife niya lalo’t dalawa ang serye niya, ang Doble Kara at ang Written In Our Stars plus nagre-recording din siya ng bagong album under Star Music. (REGGEE BONOAN)