Isang 32-anyos na babae, na hinihinalang may sakit sa puso, ang biglang nag-collapse at namatay sa kasagsagan ng pakikipagtatalik sa kanyang nobyo sa loob ng isang motel sa Sta. Mesa, Maynila, nitong Huwebes ng gabi.

Dead on arrival sa ospital ang biktimang itinago sa pangalang “Maria,” dalaga, ng San Andres Bukid, Manila.

Batay sa ulat ni PO3 Dennis Turla, ng Manila Police District-Homicide Section, dakong 8:00 ng gabi nang matumba ang biktima sa loob ng inupahang kuwarto sa Rose Garden Motel sa Old Sta Mesa Street.

Nabatid na nag-check-in sa motel ang biktima at si Eugene, 37, na walong taon na umanong nobyo ng biktima.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Lumabas pa umano ang dalawa upang bumili ng pagkain bago bumalik at humirit ng “second round.”

Pagkakain ay naligo ang magnobyo at habang nakahiga sa kama ay dito na bumagsak ang biktima, bumula ang bibig, at nag-collapse.

Mabilis na humingi ng saklolo ang kanyang nobyo sa isang security guard kaya nadala siya sa pagamutan ngunit nasawi rin siya matapos ang ilang minuto. (Mary Ann Santiago)