TALAGANG mahirap sugpuin ang paglaganap ng ilegal na droga sa ating bansa kung mismong mga militar at pulis ay sangkot sa gawaing ito. Noong isang araw, sinalakay ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang suspected shabu laboratory sa Maynila, dakong 1:00 ng madaling araw. Nagulat sila dahil natagpuan nila sa lugar ang dati nilang hepe.

Ito ay si Marine Lt. Col Ferdinand Marcelino na nangunguna pa noon sa mga pagsalakay sa high-profile operations nang siya ang pinuno ng PDEA special enforcement service (SES). Sinabi niya sa raiding team na siya ang nagsasagawa ng intelligence operations sa Felix Huertas, Sta. Cruz, Maynila. Sa kabila nito, dinakip pa rin siya ng mga miyembro ng PNP-Anti-Illegal Drugs Group (AIDG) kasama ang Chinese national na si Yan Shi Shuo, alyas Randy. Ang nakumpiskang 77 na kilong shabu ay nagkakahalaga ng P383 milyon. Inaalam pa kung siya ay sangkot o hindi sa ilegal na gawain.

Nagdududa si Davao City Mayor Rodrigo Duterte kung ang mga imbestigasyon sa pagkamatay ng SAF 44 ay makasasagot sa mga katanungan upang lumabas ang katotohanan. Sa Enero 27, muling bubuksan ang imbestigasyon sa kahilingan ni Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile. May bago raw siyang ebidensiya upang patotohanan na may direktang kaugnayan si PNoy sa trahedya. Nakatakdang dumalo sina Press Sec. Herminio Coloma, Executive Sec. Paquito Ochoa, DND Sec.

Voltaire Gazmin, National Security Adviser Cesar Garcia, ex-DILG Sec. Mar Roxas, at PNP OIC Deputy Director General Leonardo Espina. Inimbitahan din si ex-SAF director Getulio Napeñas at matataas na opisyal ng militar na hiningan umano ng tulong noon, pero hindi nagpadala ng reinforcement habang binabaril na parang “sitting ducks” ang SAF 44.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Makakasama pa rin sa listahan ng mga kandidato sa pagkapangulo sina Sen. Grace Poe at Duterte sa kabila ng kinakaharap nilang disqualification cases. Bukod sa kanila, ang kasama sa listahan ng presidentiables ay sina VP Jojo Binay ng UNA, Sen. Miriam Defensor Santiago ng People’s Reform Party, Mar Roxas ng Liberal Party, Mel Mendoza ng Pwersa ng Masang Pilipino, Rep. Roy Señerez ng Partido Manggagawa at Magsasaka Workers and Peasants (WPPPMM), at Dante Valencia, Independent.

Sa inyong lahat, sana ay manalo kayo (isa lang ang winner), at maging tunay na leader ng ating bansa na hanggang ngayon ay nagdurusa at naghihirap! (BERT DE GUZMAN)