TARLAC CITY – Tinutugis ng pulisya ang isang 19-anyos na binata na nanghalay sa kanyang pamangking babae na Grade 5 pupil, sa Barangay San Jose, Tarlac City.

Sinabi ni PO2 Sanah Bandales na halos matulala ang 11-anyos na biktima sa panghahalay ng tiyuhing si Bienvenido Gaser, Jr., 19, ng Victoria, Tarlac.

Sinabi ng biktima sa pulisya na habang natutulog siya sa kuwarto ay ginapang at hinalay siya ng suspek, na nagbabakasyon sa kanilang bahay simula noong Enero 14. (Leandro Alborote)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?