will at roxanne copy

KAARAWAN last Wednesday ni Roxanne Barcelo. Bukod sa prayers niya para sa mahal niyang pamilya, birthday wish din ni Roxanne ang patuloy na blessings para sa career niya.

Hindi ba kasama sa wish niya na sana ay ikasal na sila ng boyfriend niyang si Will Devaughn?

“Well, huwag muna. Hindi pa tayo ready to settle down. Pero si Will na nga ang gusto kong makatuluyan, siya na talaga,” sey ng birthday girl.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Kahit nasa wastong gulang na ay hindi raw siya handang magkaroon ng asawa. Gusto niyang tularan ang mga magulang niya na 33 years old na nang magpakasal. Kagaya ng mga magulang niya, ang gusto niyang mapangasawa ay iyong wala nang hiwalayan habang buhay.

Ayon kay Roxanne, handa naman na raw si Will na pakasalan siya pero naintindihan nito ang dahilan kung bakit hindi pa rin siya hundred percent na handang-handa.

Paano kung magsawa na sa kahihintay si Will, at maghanap ito ng ibang pakakasalan?

“Well, hindi mangyayari ‘yun dahil sa totoo lang, binubusog ko naman siya sobra ng pagmamahal ko,” napatawang sagot sa amin ng isa sa singer/actress na pinakamalapit sa amin.

Samantala, contract star ng Viva si Roxanne kaya isa siya sa stars ng Bakit Manipis Ang Ulap. Kontrabida ang papel na gagampanan niya, ang role na dating papel ni Chanda Romero sa movie version.

“Well, gustung-gusto ko ang papel ko sa serye na ito. Sana nga lang, magustuhan nilang lahat,” sey ni Ms. Roxanne Barcelo. (JIMI ESCALA)