MAY isang professor sa theology sa isang Catholic university. Sa kanyang unang araw, pinasulat niya ang kanyang mga estudyante kung ano ang tingin nila kay Jesus.
Nang basahin ng professor ang mga sinulat ng kanyang mga estudyante, nagulat siya sa mga sagot.
May isang sagot na pumukaw ng kanyang atensiyon. Sinulat ng isang estudyante na: “Jesus was a great P-R-O-F-I-T.”
Ang kanyang ibig sabihin ay “prophet”. At nang tingnan niya kung anong kurso ang kinukuha nito, nabasa niyang Business Administration. Hindi na nakapagtataka!
Ang Ebanghelyo ngayong ikaapat na Linggo ay naglalarawan sa malungkot na karanasan ng Diyos. Nang magtungo Siya sa kanyang bayan at ideklara sa synagogue na siya ay isang propeta at ang Messiah na tinutukoy sa aklat ni Isaiah sa unang pagbasa (Luke 4, 14-30). “This is Joseph’s son, surely?” tanong nila. “How can he claim to be a prophet, much less the Messiah?”
Nang malaman ang negatibong pag-uugali ng mga taong naroroon, sinabi ni Jesus na: “No prophet is accepted in his own native place.”
Maaaring katulad natin ang naging asal ng Jewish town mates ni Kristo. Hindi man natin itakwil si Jesus dahil ang mga Pilipino ay relihiyoso at may takot sa Diyos. Pero hindi maganda na isinasawalang-bahala natin ang ating relihiyon.
Maaaring makasanayan na lamang ang pagsisimba tuwing Linggo at pati na rin ang pagdadasal na hindi na natin maramdaman ang senseridad at kahulugan. Kung nais mong maramdaman ang salita ng Diyos at ang homiliya sa mga misa ay kinakailangan mong magsikap.
Hindi sapat na miyembro ka lamang ng simbahan, inaalam nila kung ano ang ikasasaya ng Panginoon mula sa Scriptures at maghanap ng konkretong paraan upang isabuhay ang mga ito, mula sa kanilang tahanan, kapitbahay, at trabaho.
Kasalukuyan nating ipinagdiriwang ang National Bible Week. Tayo ay hinihikayat na makiisa sa faith renewal activities.
Sisimulan na bukas ang 51st International Eucharistic Congress (IEC) sa Cebu. Layunin nitong palalimin at pagtibayin ang pananampalataya ng mga Kristiyano.
Hindi lahat ng Katoliko ay makakadalo sa nasabing international gathering ngunit tayo’y manalangin at magnilay-nilay sa mensahe ng Panginoon sa mga homiliya at testimonya.
Ang isa pang aral na nais iparating ng Ebanghelyo ngayong linggo ay ang relasyon natin sa bawat isa.
(Fr. Bel San Luis, SVD)