JOHN-LLOYD-AT-ANGELICA-copy copy

ANG alam ni Derek Ramsay, hindi pa break sina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban.

Naikuwento ito ng aktor sa presscon ng Love Is Blind ng Regal Entertainment nang may magtanong sa kanya tungkol sa isyu.

Ang kuwento ni Derek, nagkakapalitan na uli sila ng text messages ni Angelica simula nang batiin siya nito ng happy birthday noong nakaraang kaarawan niya last December 7. Nagulat nga raw siya nang matanggap ang birthday greetings ni Angelica lalo na’t hindi niya maalala noong una kung sino ang “Angel” na bumati sa kanya.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Binura na pala kasi ni Derek sa phone book niya ang pangalan ni Angelica kaya hindi agad nag-register sa kanya kung sino ang bumati. Sumunod noon, nag-follow na uli sa kanya si Angelica sa Instagram at naging daan ‘yun para maging friends sila at magpalitan ng messages paminsan-minsan.

Sa isang palitan ng text messages, naitanong ni Derek kay Angelica ang balita sa kanila ni John Lloyd at sinabi nga ni Angelica na sila pa rin at hindi pa sila break. Hindi naman siguro magsisinungaling si Derek, ‘no!

Anyway, ang saya-saya ng presscon ng Love Is Blind na showing sa February 3 sa direction ni Jason Paul Laxamana.

Nangangamoy box-office hit ang movie dahil iba ang feel, magaan at positive ang pelikula at masaya nga ang ambience sa presscon. Matagal-matagal pinag-usapan ang kissing scenes nina Derek at Kiray Celis. Sabi kasi ni Kiray, kinagat at hinabol ni Derek ang labi niya, sabi naman ng aktor, smack kiss lang iyon.

Kung magiging box-office ang movie, siguradong may kasunod na project sa Regal si Direk Jason. Sa trailer pa lang, natawa na ang mga nakapanood dahil kahit nagawa na at napanood na ang mga ganu’ng eksena, iba ang treatment ng director, kaya bago sa paningin.

Bago rin ang cast na bukod kay Derek, kinabibilangan nina Solenn Heussaff, Kean Cipriano at Kiray in her first starring role. (NITZ MIRALLES)