Isang 12-anyos na estudyante ang natagpuang patay matapos umano itong magpatiwakal sa loob ng sasakyan sa garahe ng kanilang bahay sa Malabon City, nitong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ni Senior Supt. Severino Abad, Jr., hepe ng Malabon City Police, ang biktimang si Marc Ivan Chua,12, Grade 8 pupil, at residente ng Potrero, Malabon.

Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Rommel Habig, nangyari ang insidente sa loob ng puting Isuzu Altera na nasa garahe ng bahay ng biktima.

Sinabi ni Abad na inimbitahan ang ama ng bata, si Mark Jason Chua, 44, para imbestigahan at upang sumailalim sa paraffin examination.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Iniimbitahan pa ng pulisya ang mga alegasyon na nagbaril sa sarili ang bata matapos mapagalitan ng kanyang ama.

Ayon kay Abad, hihintayin muna nila ang resulta ng imbestigasyon at ng paraffin examination para matukoy ang sahi ng pagkamatay ng paslit. (Ed Mahilum)