LIZA copy copy

HANGGANG ngayon ay wala pa rin daw napipili ang Star Cinema sa gaganap bilang Darna. Ito ang tsika sa amin ng isang Star Cinema insider. Kahit may ginawa na raw silang “short list” ay wala pa rin silang napili.

Banggit pa ng source, kahit nagbitiw na si Angel Locsin dahil sa health reasons ay kasama pa rin ang aktres, na kasama ni Gov. Vilma Santos ngayon sa pelikulang Everthing About Her, sa mga pinagpipilian para sa coveted role.

Suhestiyon pa nga raw ni Direk Erik Matti, ang magdiderek sa nasabing pelikula, magpa-audition na lang muna (uli?)

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

kung sino talaga ang bagay at nararapat na gumanap bilang Darna.

“Siyempre, exclusive lamang ang audition para sa Kapamilya stars. Gusto rin kasi ni Direk na makahanap ng gaganap na Darna na talagang kayang-kayang gawin ang stunts na walang ka-double,” sey pa ng kausap namin.

Sa Metro Manila Film Festival (MMFF) sinimulang ipalabas ang teaser ng Darna kaya may mga espekulasyon kung sino ang bagay na gumanap sa nabanggit na role.

Lumutang ang pangalan nina Liza Soberano, Nadine Lustre, Jessy Mendiola, Julia Montes at iba pa. Pero sa interbyu kay Direk Erik, ang una ang sinasabi niyang may karapatan na sumunod sa mga yapak nina Vilma Santos at Angel Locsin bilang Darna.

“Malaki kasi ang edge ni Liza,” sabi pa ng source namin. “Physically fit siya, ‘yung hitsura niya at katawan, pang-Darna talaga. Tama pa rin ‘yung edad niya. Maganda ang mukha niya, pang-Asian, medyo iba raw kasi kapag medyo may pagka-mestiza.”

Samantala, isa sa mga bagong pinag-uusapan na puwedeng kunin ng Star Cinema para sa Darna si Miss Universe Pia Wurtzback. (JIMI ESCALA)