CAMP GENERAL ALEJO SANTOS, Bulacan – Isang barangay kagawad ang nahaharap sa kasong kriminal matapos niyang saksakin ang kapatid niyang lalaki kasunod ng pagtatalo nila tungkol sa singil sa tubig sa Barangay Sampaloc sa San Rafael, Bulacan, nitong Enero 16, iniulat ng pulisya kahapon.

Kinilala ni Senior Supt. Ferdinand O. Divina, Bulacan Police Provincial Office director, batay sa report ni San Rafael Police chief Supt. Orlando Castil, Jr., ang suspek na si Dioscoro Bado Biadnes Jr., 36, binata, kagawad ng Bgy. Sampaloc, na kusang sumuko sa pulisya.

Ayon sa imbestigasyon, nakipagtalo si Biadnes sa nakatatanda niyang kapatid na si Mike, 45, may asawa, sastre, tungkol sa bayarin nila sa tubig hanggang sa saksakin ni Dioscoro si Mike. (Freddie C. Velez)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog