TOKYO (AFP) — Pumanaw na ang pinakamatandang lalaki sa mundo, si Yasutaro Koide, noong Martes sa edad na 112 sa Japan, sinabi ng isang lokal na opisyal.

Si Koide, isinilang ilang buwan lamang bago ang matagumpay na paglipad ng Wright brothers, ay namatay sa isang ospital sa lungsod ng Nagoya sa central Japan, ayon sa opisyal ng lungsod.

Ang super-centenarian, kinilalang world’s oldest male sa edad na 112 noong nakaraang taon, ay namatay sa heart failure at pneumonia, dagdag ng mga opisyal.

Si Koide, dating tailor, ay isinilang noong Marso 13, 1903 sa Fukui prefecture, northwest ng Tokyo.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo

Nang tanungin tungkol sa susi ng kanyang mahabang buhay, sinabi ni Koide na: “The best thing to do is avoid overwork and live with joy.”