Inihayag ng grupong PAMALAKAYA na ilang mangingisda na ang hindi makapalaot bunsod ng patuloy na pagsipa ng presyo ng produktong petrolyo.
Bilang pagpapakita umano ng pagkadismaya sa tugon ng pamahalaan sa presyo ng produktong petrolyo, nagkasa ng "tigil-palaot" ang PAMALAKAYA Cavite nitong Lunes, Marso 30, 2026.
Ayon kay PAMALAKAYA Cavite President Richard Catenza, ilang mangingisda na rin ang napilitan umanong humanap ng pagkakakitaan bunsod ng kakapusan na makabili pa ng diesel maikakarga sa kanilang mga bangka.
"Our fishing boats are docked for almost a month now because we can no longer afford the skyrocketing price of diesel. Some fisherfolk have temporarily left fishing and shift to some odd jobs including construction work," ani Catenza.
Ayon pa sa PAMALAKAYA, tinatayang nasa ₱560 ang halaga ng gasolina na kinakailangan ng mga ordinaryong mangingisda noon upang makapalaot, subalit matapos ang tuloy-tuloy na pag-arangkada ng presyo ng produktong petrolyo, pumalo na sa ₱1,240 ang halaga ng 10 litro ng diesel na kailangan nila.
Katulad ng panawagan ng sektor ng pampublikong transportasyon, hiling din nilang tuluyang maalis ang fuel taxes na inaasahang magpapababa ng hanggang ₱20 kada litro sa mga produktong petrolyo.
Matatandaang noong Marso 25 nang pimrahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ang batas na nagbibigay sa kaniya ng kapangyarihang suspendihin ang fuel excise tax.
KAUGNAY NA BALITA: PBBM, pirmado na batas na magsususpinde sa fuel excise tax!
Habang sa Abril 12 o 13 pa inaasahang maipapatupad ang kautusang manggagaling kay PBBM kung anuman ang ipapataw nmiyang halaga na pagsuspinde ng fuel excise tax o kung tuluyan niya na itong bubuwagin sa presyo ng mga produktong petrolyo.
KAUGNAY NA BALITA: Suspensyon sa fuel excise tax, posibleng ikasa sa Abril 12-13—DOF