Nakaambang magkaroon ng sigalot sa Red Sea matapos ang pagsali ng Yemen military group na Houthi sa tensyon sa Middle East.
Ayon sa ulat ng AP News noong Linggo, Marso 29, 2026, nagpaulan ng missiles ang Houthi laban sa Israel, upang ipakita umano ang pagsuporta nila sa Iran.
Nanindigan din ang Houthi na nakahanda raw silang makipagbakbakan sa iba't ibang bansa, matapos ang kanilang naging pag-atake kontra Israel.
"We are preparing for a multifront war," anang Houthi.
Samantala, ayon pa sa mga ulat, ang seguridad naman ng Red Sea ang nakaambang bumagsak sa kamay ng Houthi matapos ang kanilang pagpasok sa giyera.
Matatandaang minsan nang napasakamay ng Houthi ang kontrol sa mga kalakaran sa Red Sea at mapasabog ang ilang oil facilities sa Persian Gulf noong Yemen civil war.
Ang Red Sea ay isa sa mga pangunahing ruta ng pandaigdigang kalakaran.
Nanindigan din ang Houthi na hindi umano nila palalayagin sa Red Sea ang anumang kargada mula sa United States at Israel.
"Our fingers are on the trigger," saad pa ng Houthi.
Tinatayang nasa 27 bansa mula sa Europa ang umaasa sa kalakaran ng oil shipment na dumadaan sa Red Sea at posibleng direktang maapektuhan kung sakaling magkaroon ng tensyon sa naturang karagatan.
Simula nang mag-umpisa ang sigalot sa pagitan ng Iran at sanib-puwersang Israel at US, ay tuluyan nang hindi naging normal ang operasyon at kalakaran sa Strait of Hormuz na siya namang pangunahing ruta para sa oil shipments sa pandaigdigang merkado.
MAKI-BALITA: ALAMIN: Bakit mahalaga ang ‘Strait of Hormuz’ sa bentahan ng langis ng mga bansa?